OFW NAIA DFA seamen crew repatriates COVID
-- Advertisements --

Nasa halos 24,000 na ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng ahensya, may total nang 23,732 confirmed cases ng sakit sa bansa dahil sa 740 na mga bagong kaso.

Mula sa total ng new cases, 288 ang late cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw o higit pa pero ngayon lang na-validate.

Ang fresh cases naman o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw ay pumalo ng 452. Ito ang pinakamataas na bilang ng fresh cases na nai-report ng DOH mula May 29.

Samantala, ang numero ng mga gumaling ay nasa 4,895 dahil sa 159 new recoveries.

-- Advertisement --

Habang ang death toll ay nasa 1,027 dahil sa 10 bagong namatay.