Tumatanggap ngayon ang department of health o doh ng mga bagong miembro para sa kanilang philippine emergency response team.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa na bahagi ito ng pagpapalakas ng kapasidad ng health emergency response ng bansa na tutugon sa pagtama ng ibat ibang malalaking kalamidad o sakuna tulad ng lindol at bagyo.
Sinabi ni Herbosa, bawat ospital sa bansa ay may mga trained personnel na, tulad ng doktor, nurse, logistics, engineering at iba pang specialties.
Sinuman sa mga ito ang gustong maging bahagi ng composite team ng phil medical emergency response ng pamahalaan ay welcome para sa isa ilalim pa sa mas advanced na training sa disaster response at mapasok bilang world health organization verified o certified.
Kabilang sa gagawing pagsasanay sa ngayon ay ang tinatawag na type one level, o ang out-patient and emergency care.
Ibinida rin ni Herbosa na sa mga international agencies tulad ng world health organization, united nations development program o undp, united nations childrens fund o unicef, puro pilipino rin ang mga nagiging lider.
Ibig sabihin ang pilipinas ang nagsisilbing supplier ng magagaling na doktor, nurse at staff na mahusay sa disaster risk reduction and management at subok na talaga at hindi uurong sa giyera.