-- Advertisements --

Aktibong naka-monitor ngayon ang Department of Health (DOH) sa trends ng COVID-19 sa gitna ng napaulat na pagtaas ng kaso sa naturang sakit sa South east Asia.

Sa isang statement, inihayag ng DOH na nakikipag-ugnayan na sila sa pamamagitan ng nakalatag na mga mekanismo gaya ng ASEAN, na nagbibigay ng mga beripikadong impormasyon at pagpapalakas pa ng kahandaan kayat walang nakikitang dahilan ng pagkaalarma.

Sa datos ng DOH as of May 3, dito sa Pilipinas bumaba sa 87% ang mga kaso at nasawi dahil sa COVID-19 mula noong nakalipas na taon kung saan tanging nasa 1,774 ang napaulat na kaso ngayon taon kumpara sa 14,074 cases noong 2024.

Iniulat din ng ahensiya na nasa 1.13% lamang ang case fatality rate.

Nagpapakita aniya ang kamakailang trends ng bahagyang pagbaba ng mga kaso sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo. Mula sa 71 cases noong Marso 23 hanggang Abril 5 ng kasalukuyang taon, bumaba ito 65 cases mula April 6 hanggang 9.

Muli namang hinihimok ang publiko sa pagsasagawa ng preventive measures para maprotektahan ang sarili mula sa sakit gaya ng pagsusuot ng facemask sa healthcare facilities, pananatili sa bahay kung may sakit, takpan ang bunganga kapag uubo o babahing, regular na maghugas ng kamay at maagang pagpapakonsulta kung nakakaramdam ng sintomas.