-- Advertisements --

Lagpas 83,000 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, batay sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Ayon sa ahensya, 1,678 na mga bagong kaso ng sakit ang naitala dahil sa ni-report na datos ng 81 mula sa 91 laboratoryo. Dahil dito ang total ng mga nagkasakit sa COVID-19 ay 83,673 na.

Mula sa bilang na ‘yan, 83,673 ang active cases o mga confirmed case na nagpapagaling.

Ang total recoveries ay aabot sa 26,617 dahil sa 173 na bagong gumaling.

Samantalang, apat na bagong namatay ang naitala kaya ang total deaths ay nasa 1,947.

“There were thirty- four (34) duplicates (including 2 recovered cases) were removed from the total case count. In addition, eleven (11) cases to be false positives have been removed after final validation.”

“Moreover, two (2) cases that were previously reported to have died has been validated to have recovered and were included in the count of new recoveries.”