-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nararapat lamang daw na magbigay ng public appology ang Department of Health (DOH-6) matapos ideklara na persons under monitoring (PUM) ang lahat ng residente ng Guimbal, Iloilo.

Ito ay kasunod ng pagtaas sa tatlo ng kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing bayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay dating Department of Health secretary at ngayon Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, sinabi nito na “the damaged has already been done” ngunit kailangan pa rin ang public apology ng Department of Health-6.

Ayon kay Garin, hindi niya masisisi si Mayor Jerry Treñas na hindi papasukin sa lungsod ng Iloilo ang mga nanggaling sa bayan ng Guimbal.

Inihayag ni Garin na nagdulot ng diskriminasyon ang pagdeklara sa lahat ng residente ng Guimbal na persons under monitoring.

Nauna nang nagpalabas nang paglilinaw ang ahensya na hindi itinuturing na persons under monitoring ang lahat ng residente ng nasabing bayan bagkus isinailalim lamang sa “strengthened home quarantine” ang dalawang barangay.