-- Advertisements --

Biniberipika na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang napaulat na isang indibidwal na nasawi sa Bohol.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, base sa datos nitong umaga ng Martes, Nobiyembre 4, iniulat ni OCD spokesperson Junie Castillo na “under validation” pa ang naitalang casualty na nabagsakan umano ng puno.

Ayon pa sa ahensiya, sa ngayon ay walang napaulat na missing o nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Bunsod aniya ng malawak na saklaw ng bagyong Tino na nagdudulot ng malalakas na hangin at ulan, pinakamatinding apektado ang mga rehiyon sa Visayas at Mindanao.

Iniulat din ng OCD official na nagsagawa na ng pre-emptive evacuations sa 130,000 pamilya o katumbas ng 387,000 indibidwal upang maiwasan ang matinding epekto ng bagyo.

Kung saan pumalo na sa mahigit 9,000 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 362 evacuation centers.

Samantala, nagsagawa na rin aniya ng pre-emtive evacuation sa mga barangay na natukoy ng DENR- Mines and Geosciences Bureau na delikado sa landslide at baha.

Paliwanag ni OCD spokesperson Castillo na karaniwanang inilalabas ang ganitong geohazard advisory tuwing may mga bagyo partikular na sa mga lugar na direktang dadaanan ng bagyong Tino gaya ng Eastern Visayas Region, Caraga, buong Visayas, MIMAROPA at sa Bicol Region.