-- Advertisements --
QC market palengke residents people COVID

MANILA – Patuloy pang tumaas ang dagdag na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 matapos mag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 5,404 new cases ngayong araw.

Ito na ang itinuturing na ikaapat sa pinakamataas na bagong kaso ng coronavirus na naitala mula nang mag-umpisa ang pandemya sa Pilipinas.

Batay sa datos ng DOH, pinakamataas ang higit 5,400 na naitala ngayong araw mula noong August 14, 2020 kung saan nag-ulat ang ahensya ng 6,216 na bagong kaso ng sakit.

Sa ngayon pumapalo na sa 626,893 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 14, 2021.”

Muli namang sumirit sa 53,479 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling.

Sa ilalim ng bilang, 92.4% ang mild cases; 4% asymptomatic; 1.4% ang severe at critical; habang 0.73% ang moderate cases.

Nadagdagan ng 71 ang bilang ng mga gumaling, na ngayon ay nasa 560,577 na.

Habang walo ang bagong naitalang namatay para sa 12,837 na total deaths.

“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 are recoveries.”

“Moreover, 3 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”