Nasa halos 19,000 na ang total ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng 359 new cases ang DOH ngayong araw, June 2.
Batay sa case bulletin ng ahensya, pumalo na sa 18,997 ang total ng mga nakumpirmang tinamaan ng pandemic virus sa bansa.
Mula sa mga naitalang bagong kaso ng sakit, 176 ang fresh cases o test results na lumabas at na-validate ng DOH sa nakalipas na tatlong araw.
183 naman ang late cases o test results na lumabas sa nakalipas na apat na araw o higit pa pero late na-validate ng kagawaran dahil late ding submission ng mga laboratoryo.
Ang numero naman ng recoveries ay pumalo na sa 4,063 dahil sa 84 na bagong gumaling.
Habang tatlo ang nadagdag sa mga namatay na may total nang 966.
Ayon sa DOH, ito ang pinakamababang bagong kaso ng namatay na naitala sa loob ng isang mula noong Marso.