-- Advertisements --
Pumalo sa 2,651 ang mga karagdagang kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas ngayong araw.
Sinasabing ito na ang pinakamataas na COVID-19 infections na naiulat sa isang araw ngayong taon, at pinakamataas din matapos ang mahigit apat na buwan.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health, sumampa na sa 571,327 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa bansa.
Samantala ay mayroon namang naitalang 561 na gumaling at 46 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.0% (34,498) ang aktibong kaso, 91.8% (524,582) na ang gumaling, at 2.14% (12,247) ang namatay.
Walong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System kahapon, Pebrero 25.