-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Finance na hilingin sa mambabatas na patawan din ng pagtaas ng buwis sa mga electronic cigarettes at vapes.
Sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, na maaaring patawan ng hanggang P45.00 na excise tax kahalintulad din ng ipinataw sa mga sigarilyo pagdating ng 2020.
Dagdag pa ni Chua na may proposal din patawan ng buwis ang mga vaping machine ng 30% bilang luxury tax.
Hihilingin ng Department of Finance (DoF) ang pagtaas ng excise tax sa mga alcohol mula P25.00 ay gagawing P28.00 kada litro hanggang P40.00 kada litro.