Binanggit ni Finance Secretary Frederick Go na ang Business Process Outsourcing (BPO), electronics manufacturing, at renewable energy ang pangunahing sektor na makapagpapalakas sa job generation ng bansa.
Ayon kay Go, lumalawak ang BPO industry sa larangan ng artificial intelligence, data analytics, at IT-enabled services.
Kasabay nito, patuloy na lumalaki ang semiconductor at electronics sector, kung saan mga kompanya gaya ng Samsung ay nagdaragdag ng investments.
Itinuturing din na oportunidad ang renewable energy dahil sa malakas na sikat ng araw, madalas na bagyo, at aktibong bulkan sa bansa.
Isinusulong ng gobyerno ang mga reporma gaya ng CREATE MORE Act at Public-Private Partnership Code upang palakasin ang investor confidence.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 2.66 milyon ang unemployed noong Pebrero 2026 mula 2.96 milyon noong Enero.
Giit ni Go, ang kombinasyon ng macroeconomic approach at industry-specific programs ang susi upang maisalin ang paglago ng ekonomiya sa mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.















