-- Advertisements --

Kumpyansa ang pamunuan ng Department of Finance na lalago ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto , tinatarget nilang makamit ang 5.4 hanggang 6.5 porsiyentong na paglago sa gross domestic product ng bansa.

Naitala naman noong nakalipas na taon ang 5.6% ang paglago sa gross domestic product na mas mababa sa target nilang 6 hanggang 6.5 %.

Inaasahan namang lalago sa 6% hanggang 7% ang ekonomiya ng Pilipinas mula 2026 hanggang 2028.

Mas mababa naman ito ng bahagya kumpara sa target na 6 hanggang 8 percent.

Ayon kay Recto, ang pagbaba ng target ay hindi nangangahulugang pagbaba ng ambisyon, kundi patunay ng matalinong pamamalakad sa pananalapi at kumpiyansa sa kakayahang tuparin ang mga plano sa pamamagitan ng smart spending.

Dagdag pa niya, nananatiling buo ang kumpiyansa ng gobyerno sa paglago ng ekonomiya kahit magpatupad ang Estados Unidos ng 19% taripa sa mga produktong Pilipino.