-- Advertisements --

Target ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makumpleto ang 200 planta ng kuryente sa susunod na tatlong taon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Energy Secretary Sharon Garin.

Ayon sa kalihim , 80% ng planta ng kuryente ay magmumula sa renewable energy sources.

Inaasahang makapagbibigay ang mga bagong plantang ito ng 12,000 MW na magpapalakas sa suplay ng enerhiya at magpapababa sa singil sa kuryente sa bansa.

Patuloy ding inuutusan ng Pangulo ang DOE at NEA na bigyan ng kuryente ang mga liblib na kabahayan sa Pilipinas.

Partikular na rito ang lalawigan ng Quezon, Camarines Norte, Palawan, Masbate, Samar, Negros Occidental, at maging ang Zamboanga del Sur.

Ang planong ito ay bahagi ng naging pangako ni PBBM sa kanyang nakalipas na ika-apat na State of the Nation Address ngayong taon.