-- Advertisements --

Nagbigay ng ilang mga panibagong updates ngayong umaga si Department of Energy Secretary Sharon Garin matapos na personal na bumisita sa Cebu Province para sa ground assessment ng sa Bogo City bunsod ng tumamang magnitude 6.9 na lindol sa lungsod.

Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo Philippines hinggil sa timeline kung hanggang kailan posibleng mawalan ng elektrisidad ang ilang mga siyudad sa naturang probinsiya, inanunsyo ni Garin na bagaat hindi pa sila makapagbigay ng pinal na timeline, target ngayon ng ahensya na makapagbigay ng elektrisidad sa mga munisipalidad sa loob ng isang linggo depende sa magiging assessment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa mga clearances ng mga imprastraktura na napinsala sa probinsiya.

Iniisip din kasi ngayon ng departamento ang integridad at kaligtasan ng mga gusali bago pa naman i-energized ang mga siyudad na ito para matiyak na magiging ligtas na ang muling pagbibigay ng power supply sa rehiyon.

Patuloy naman ng malalim na pakikipagugnayan ng DOE sa DPWH partikular na sa kalihim nito na si Sec. Vince Dizon para sa mga progreso ng mga assessment ng mga gusali sa Cebu Province na siyang tinamaan at lubhang napinsala ng naturang lindol.

Tiniyak naman ni Garin na patuloy ang trabaho ng DPWH para tiyakin ang kaligtasan ng mga gusali at maging ng iba pang ahensya para matiyak na magiging maayos at ligtas na ang panunumbalik ng enerhiya at ilan pang mga basic needs sa probinsiya.

Samantala, sa ngayon kinumpirma ng kalihim na ayos na ang mga generators, transmisssions at ilan lang kakailanganing i-check para sa power supply habang patuloy na sumasailalim pa sa assessment ang mismong distribusyon nito sa mga siyudad at tahanan para tuluyang maibalik ang power supply sa lugar.