Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na puspusan ang kanilang mga ginagawang hakbang upang agad na maibalik ang suplay ng kuryente at serbisyo sa mga rehiyong matinding naapektuhan ng bagyong Opong.
Sa pahayag ng ahensya noong Sabado, sinabi nitong naibalik na ang operasyon ng ilang on-grid power plants, kabilang ang BACMAN Units 1–3 sa Albay at Sorsogon na may 133 megawatts (MW) na kapasidad, at ang Palayan Binary Plant sa Albay na may 28 MW.
Gayunman, nananatiling hindi pa operational ang Nabas 2 Wind Farm sa Aklan na may 13.8 MW na kapasidad.
Ayon sa DOE, siyam na diesel power plants (DPPs) sa ilalim ng National Power Corporation (NPC) Small Power Utilities Group ang operational na. Ngunit nananatiling hind pa mapakinabangan ang ilang mga distribution lines tulad ng
3 DPPs na naka-standby dahil sa sira o hindi gumaganang distribution lines, 32 DPPs din ang may produksyon na ngunit walang operational na DL, at 14 DPPs din ang may gumaganang DL.
Samantala sa transmission side, tatlong 69kV transmission lines sa Marinduque, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro ang bahagyang naibalik na ang operasyon, habang standby pa rin ang Masbate 69kV line.
Samantala, balik-normal na ang transmission services sa Luzon at Visayas matapos maibalik ang Batangas-Taysan 69kV TL at Calbayog-Allen 69kV TL.
Patuloy ding binabantayan ng DOE ang 32 electric cooperatives (ECs) sa 27 probinsya sa 10 rehiyon.
Batay sa DOE maykabuaang 27 ECs ang may partial power interruptions
Dadag nito nagpadala na ang Task Force Kapatid ng 37 personnel mula sa mga hindi apektadong lugar para tumulong sa restoration.