Muling iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang kahalagahan ng isang mas matatag na national defense upang makamit ang respeto ng Pilipinas sa mundo.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa kanyang talumpati sa American Chamber of Commerce of the Philippines, kung saan binigyang-diin ni Teodoro na hindi sapat ang diplomasya kung walang matibay na backbone ang defense ng Pilipinas.
Sa temang “Safeguarding the Philippines in a Changing Geopolitical Landscape,” layon ng pagtitipon na pag-isahin ang sektor ng defense at business para sa ligtas at matatag na bansa.
Binanggit din ni Teodoro ang kahalagahan ng mga Visiting Forces Agreements (VFAs) bilang simbolo ng suporta sa soberanya ng Pilipinas, lalo na sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.
Sa kasalukuyan, mayroon nang Visiting Forces Agreements ang bansa sa Estados Unidos, Australia, at Japan, habang isinasapinal pa ang mga kasunduan sa New Zealand, Canada, France, at United Kingdom.
















