-- Advertisements --

Tumanggap na ng tulong ang isang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa pamahalaan ng Pilipinas matapos makunan habang nasa biyahe patungong South Korea.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ang Migrant Workers Office sa Seoul ay nagbibigay ng tulong medikal, emosyonal, at legal na pangangailangan sa OFW at sa kanyang pamilya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng mga OFW.

Batay sa ulat, nakunan ang OFW habang nasa eroplano at isinugod sa INHA University Hospital pagdating sa Incheon Airport, ngunit idineklarang patay na ang sanggol.

Samantala kasama ng OFW na babalik sa pinas ang kanyang asawa, anak, at biyenan. Una nang iniimbestigahan na ng mga awtoridad sa South Korea ang insidente.

Kinumpirma rin ng DMW na nasa maayos nang kondisyon ang OFW. Gayundin ang pagtulong sa pamilya para sa pagproseso ng autopsy at sa repatriation ng mga labi ng sanggol.