-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsasagawa ng online voting sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) para sa 2028 elections.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac na sa kabila man ng ilang mga pagaatubiling ikasa ang online voting ay itutuloy nila ang nasimulang sistema ngayong 2025 national and local elections.

Aniya, bukas ang kanilang departamento na makipagtalakayan sa Commission on Elections (Comelec) ang mga maaaring paraan kung panoo nila mapapahusay ang pagkakasa ng internet voting.

Samantala, binigyang diin ng kalihim ang mga magagandang pakinabang ng ganitong klase ng botohan lalo na para sa mga OFW’s na kailangan pang maglakabay ng malayo para lamang makaboto.

Kasalukuyan namang nakaantabay ang ahensya sa mga voting turnouts mula sa mga OFW’s para sa halalan gayong taon.