-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Migrant Workers na naabutan na nito ng tulong ang tatlong Overseas Filipino Workers sa Northern Ireland.

Ang mga ito ay nakaranas ng matinding trauma dahil sa mga pagbabanta na kanilang natatanggap matapos ang isang riot na naglagay sa kanila sa alanganin.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy ang kanilang monitoring partikular na ng kanilang Migrant Workers Office sa lugar.

Layon ng hakbang na ito na matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Sa kabilang banda ay iniulat naman ng ahensya na walang mga OFWs ang nasaktan sa naganap na immigration protest sa Los Angeles, California sa Amerika.

Patuloy rin ang kanilang pagbabantay sa sitwasyon alinsunod sa direktiba ni PBBM na makapagbigay ng agarang tulong sa mga maaapektuhan.