Novak Djokovic 2
Novak Djokovic / IG post

Nakuha ni Novak Djokovic ang kampeonato sa Paris Masters.

Ito ay matapos talunin si Denis Shapovalov ng Canada sa score na 6-3, 6-4.

Tila kinakabahan pa ang 20-anyos na Canadian tennis player matapos na bigla itong ipalit sa umatras na si Rafael Nadal.

Mayroon ng kabuuang 34 Masters ang 33-anyos na Serbian tennis player kung saan sa kabuuan ay umabot na ito sa 77 sa ATP tour.