Thiem and Djokovic
Thiem and Djokovic/ IG post

Itinanghal muli bilang kampeon sa Australian Open si Novak Djokovic matapos talunin si Dominic Thiem.

Nakuha nito ang score na 6-4, 4-6, 2-6, 6-3 at 6-4 para makamit ang ika-walong Australian Open title.

-- Advertisement --

Hindi pa natatalo ang Serbian tennis star sa nasabing torneyo na mayroong kabuuan na 17th major over all title.

Nagkaroon pa ng kaunting alitan si Djokovic, 32, sa senior chair umpire na si Damien Dumusois.

Sa ngayon ang beteranong si Roger Federer ang may pinakamaraming over all title na umaabot sa 20 na sinusundan naman ni Rafael nadal sa bilang na 19.