OFWS OFW NAIA ARRIVAL COVID DFA

Nasa 321,000 overseas Filipino workers (OFWs) na ang kumpirmadong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Pero sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, mula sa nasabing 191,000 ang ayaw pa ring uuwi ng Pilipinas at piniling manatili na lamang sa bansang kinaroroonan kahit walang trabaho.

Ayon kay Sec. Bello, ang pinagtutuunan nila ngayon ay ang 62,000 na stranded Filipinos sa iba’t ibang embahada ng bansa na kailangang iproseso ang kanilang mga papeles pauwi.

Nasa 44,000 OFWs sana ang inaasahan nilang makakauwi na ngayong Hunyo pero dahil kulang sa papeles, nasa 16,679 lamang ang darating.