Pinagaaralan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaroon ng internal disciplinary machine sa loob ng kanilang hanay para malagyan na ng limitasyon ang pagkakasangkot ng mga pulis sa mga katiwalian.
Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, layon nito na maresolba sa loob ng kanilang hanay ang anumang mga isyu na kinasangkutan ng mga pulis.
Ito ay matapos na magkakasunod na nakatanggap ang tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ng mga reklamo na kinasangkutan g ilang mga pulis at ilang matataas na opisyal ng pulisya.
Kasunod nito ay agad naming nagpasalamat ang hepe sa NAPOLCOM dahil sa mga disciplinary actions na ipinatupad nito uang matiyak na madidisiplina ng mga pulis na masasangkot sa mga maling gawain.
Samantala, maliban sa pagpapatupad ng iba pang disciplinary machines ay bukas din na tinatanggap ng PNP ang mga aksyon ng NAPOLCOM bilang bahagi rin ng kanilang internal machinery ang komisyon.