-- Advertisements --
Kumpiyansa si Department of Finance Secretary (DOF) Benjamin Diokno na malalampasan ng gobyerno ang kaniyang 2023 revenue target.
Sinabi ng kalihim na maraming mga opisina sa gobyerno ang nahigitan na ang kanilang buwanang target collection sa nakalipas na limang buwan.
Mayroon naiyang P1.6 trillion na kita ang gobyerno sa loob ng limang buwan.
Ito ay 10.8% na mataas o katumbas ng P155.6 bilyon na pagtaas kumpara sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Naniniwala ito na sa pagpasok huling anim na buwan ng 2023 ay tataas pa ang koleksyon ng gobyerno.