-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Nakikiisa at nananawagan ng suporta ang Diocese of Kalibo sa idadaos na Dugong Bombo 2025 na may temang A Little Pain, A Love To Gain.

Kasabay nito, hinimok ni Fr. Justy More, chancellor ng naturang simbahan ang mga Katoliko at mga mamamayan ng Aklan na tumulong sa pagsagip ng buhay sa pamamagitan ng paglahok sa nationwide bloodletting campaign ng Bombo Radyo Philippines katuwang ang Philippine Red Cross Aklan Chapter at Bombo Radyo Philippines Foundation Inc. sa darating na Nobyembre 15, 2025, araw ng Sabado.

Sabay-sabay itong gaganapin sa 25 key cities sa buong bansa, kung saan, nag-o-operate ang 32 fully-digitlized AM at FM stations ng network.

Aniya, iniindorso at sinusuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Dugong Bombo sa pamamagitan ng ipinalabas na sulat ni Pablo Virgilio S. Cardinal David, Bishop of Kalookan at presidente ng CBCP.

Gawin umanong ‘way of life’ ng bawat isa ang pag-donate ng dugo kagaya ng ginawa ni Kristo na nag-alay ng kanyang dugo para makamtan ang buhay na walang hanggan ng sangkatauhan.

Dagdag pa ni Fr. More, ang adbokasiya ay i-aanunsyo sa mga misa sa mga adlaw bago ang petsa ng bloodletting event.