-- Advertisements --
Humingi na nang paumanhin si DILG Undersecretary Martin Diño dahil sa naidulot daw na kalituhan sa kanyang naunang statement sa isyu ng shame campaign sa mga violators ng health protocols.
Una rito, maging ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagpaalala sa DILG na labag ito sa batas sa ilalim ng Anti-Torture Act dahil ang shame campaign ay maituturing na mental torture.
Maging si DILG Undersecretary Jonathan Malaya ay nilinaw din na hindi nila polisiya na ipapahiya ang mga COVID patients.