-- Advertisements --

Binigyang linaw ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government na tumatalima ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos .

Partikular na ipinag-utos ng pangulo ang tiyak na pag-iisyu ng warrant of arrest para sa mga indibidwal na sangkot sa mga alegasyon ng iregularidad sa mga proyekto flood control.

Inatasan na rin ng ahensya ang pamunuan ng Philippine National Police para sa tamang pagpapatupad ng mga arrest warrant.

Binigyang-diin ng DILG na mahalaga ang pagsunod sa tamang proseso at dapat tratuhin nang patas ang lahat ng sangkot.

Kinakailangan rin ayon sa ahensya na walang anumang impluwensya mula sa ilang personalidad at usaping pulitika ang pagpapatupad ng bata