-- Advertisements --
Nagbigay ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng tig-P13 million para sa 75 lokal na pamahalaan para mapabuti pa ang kanilang water systems.
Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., may kaakibat na responsibilidad ang ibinigay na malaking pondo kayat dapat na gamitin ng tama ang pribilehiyo na ipinagkaloob sa LGUs.
Saklaw ng naturang programa ang mga proyekto mula sa konstruksiyon, pagpapalawig at rehabilitasyon ng Level III water supply systems o existing sanitary toilets at hygiene facilities para sa mga pampublikong lugar.
Ang naturang halaga naman ng pondo ay nagmula sa Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB) Program sa ilalim ng 2024 national budget.