-- Advertisements --
Binalaan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga mall owners na kaniyang ipapasara kapag hindi nagpatupad ng physical distancing.
Ito ay kasunod ng pagdagsa ng mga tao sa mga mall matapos ipatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon sa kalihim na hindi sila magdadalawang isip na isara ang nasabing mga mall kapag lumabag sa physical distancing.
Inatasan na rin nito ang mga local government units at ang Joint Task Force Covid Shield sa ilalim ni PLt. Gen. Guillermo Eleazar na magsagawa ng inspection sa mga mall at kausapin ang mga mall owners.
Maging ang mga kapulisan ay dapat rumonda sa mga mall para matiyak na ipinapatupad ang physical distancing.