-- Advertisements --

Gallit si DILG Undersecretary Jonathan Malaya matapos mabalitaan mayroong ilang barangay officials na naniningil sa ibinibigay na quarantine passes, food stubs, at community ID’s.

Iginiit ni Malaya na sa halip na makatulong ay nakadagdag pa sa kinakaharap na problema ng Pilipinas sa COVID-19 ang mga pasaway na barangay officials na ito.

Kasaby nito binigyan diin din ng opisyal na iligal at mananagot sa batas ang mga nagpapabayad ng quarantine passes, pagharang sa mga cargo trucks na naglalaman ng mga food supplies, at nagbebenta ng barangay pas IDs ng hanggang P500.

“I’ll make this clear: Barangay officials have no authority to impose such fees and to set up checkpoints without coordinating with their mayors,” ani Malaya sa isang panayam.

Nilinaw nito na walang direktiba na inilabas si Pangulong Rodrigo Duterte maging sinuman sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa COVID-19 Luzon-wide enhanced community quarantine na nagpapahintulot sa mga barangay na maglabas ng kanilang sariling quarantine pass.

“If they’ll do so, it should only be for the purpose of ensuring compliance with the social distancing policy, and not for fund-raising purposes,” saad nito.