-- Advertisements --

Plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maglagay ng body camera sa lahat ng mga jail guard na magbabantay sa mga makukulong na sangkot sa flood control scandal.

Ito ay upang masiguro ang malinis na pagbabantay sa mga preso at masiguro ang mahigpit na pagpapatupad sa mga reulasyon sa loob ng kulungan.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, lahat ng body camera ng mga naka-duty na jail guard ay hindi maaaring patayin habang ginagampanan pa rin nila ang kanilang tungkulin.

Babantayan ng isang opisina ang mga ito, at imomonitor ang kanilang lokasyon, ginagawa, at mga sinasabi, lalo na kung nagasagawa ng pagpapatrolya sa loob ng kulungan o nakikipag-usap sa mga preso.

Naniniwala si Remulla na nagsisimula ang korapsyon kapag nagkakaroon ng mahigpit na ugnayan sa pagitan ng mga jail guard at ng mga preso, kaya’t mainam aniyang mabantayan na ito sa simula pa lamang.

Sa pamamagitan ng ‘on duty body camera’ na isusuot ng mga jail guard, maiiwasan aniya ang pag-uusap ng dalawang panig (jail guard & PDL), hindi naaabuso o tinatakot ang mga jail guard, hindi nakakahingi ng pabor ang mga preso o vice versa, atbpang maaaring pagsimulan ng korapsyon.

Sa kasalukuyan, isang babae ang nagsisilbing warden sa naturang pasilidad.