Inirekomenda ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa bahagi ng Cagayan, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Davao, CARAGA at iba pang apektadong lugar na magpatupad ng preemptive evacuation at precautionary measures bunsod ng inaasahang minor sea level disturbance o maliit na tsunami dulot ng 8.7 magnitude na lindol sa silangang baybayin ng Kamchatka, Russia.
Ito ay kaugnay pa rin sa naging ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng maapektuhan ng tsunami na may taas na isang metro ang ilang baybayin sa bansa malapit sa Pacific Ocean.
Kasunod nito ay nagpaalala ang tanggapan ng DILG sa publiko na panatilihing maging alerto sa mga mamamataang unusual waves sa baybayin.
Samantala, narito naman ang mga lugar kung saan pansamantalang ipinagbabawal muna ang paglapit sa baybayin at tabing-dagat at kasalukuyang nasa ilalim ngayon ng Tsunami Advisory ng PHIVOLCS:
- -Batanes Group of Islands
- -Cagayan
- -Isabela
- -Aurora
- -Quezon
- -Camarines Norte
- -Camarines Sur
- -Albay
- -Sorsogon
- -Catanduanes
- -Northern Samar
- -Eastern Samar
- -Leyte
- -Southern Leyte
- -Dinagat Islands
- -Surigao Del Norte
- -Surigao Del Sur
- -Davao Del Norte
- -Davao Oriental
- -Davao Occidental
- -Davao Del Sur
- -Davao De Oro
Ang mga naturang lalawigan naman ang mga inaasahang posibleng maapektuhan ng tsunami na mayroong higit sa isang metro ang taas at pinayuhan ring lumikas na patungo sa mas mataas na lugar.