-- Advertisements --

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 170, maaari na ring gawin ang government disbursement and collection sa pamamagitan ng digital payment.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas na kung saan, pwede ng gawin ang paglalabas ng pera ng gobyerno na nakalaan para sa pagbibigay ng financial assistance, pasahod para sa mga kawani, allowance at iba pang kompensasyon sa pamamagitan ng digital payment.

Sa kabilang banda’y maaari na ding magbayad ng buwis at iba pang fees at tolls sa gobyerno sa nabanggit ding makabagong pamamaraan.

Sa harap nitoy maaari pa din namang magbayad ng anomang transaksiyon sa pamahalaan kahit cash at iba pang mode of payment.

Kaugnay nito ay binuo na ang Technical Working Group na siyang babalangkas sa guidelines ng nasabing batas na binubuo ng Finance Department, DBM, Bureau of Treasury, BIR at Government Procurement Policy Board.