-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na ipagpaliban muna ang pagtungo sa pilgrimage sa Holy Land.

Ito ay matapos na magpatupad ang Palestinian ng temporary ban sa mga papasok na turista sa West Bank kasama na ang Bethlehem at Jericho.

Ayon sa DFA na dapat makipag-ugnayan ang mga Filipino sa kanilang mga tour operators para maiwasan ang anumang abala.

Magugunitang inanunsiyo ni Palestinian Prime Minister Mohammed Shtayyeh na magpapatupad sila ng 30-day lock down sa Holy Land dahil sa coronavirus outbreak.