-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan sina Sentor Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada na pumirma ng waivers para mabuksan ang kanilang bank accounts.

Kasunod ito sa alegasyon na tumanggap sila sa mga flood control projects.

Ang dalawang senador kasi ay idinawit ni dating Bulacan First District Assistant Engineer Bruce Hernandez na tumanggap umano ng 30 percent na kickbacks mula sa flood control projects.

Tinawag ni Estrada si Hernandez bilang “habitual liar” kung saan itinanggi ng Senador ang mga alegasyon.

Magugunitang isinawalat ni Hernandez ang nasabing alegasyon sa dalawang senador noong ito ay imbestigahan sa House of Representatives.