-- Advertisements --

Nagpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi na dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA) 2025 na gaganapin sa New York City sa susunod na linggo.

Ayon sa Presidential Office (PCO) Secreatry Dave Gomez, na nais ng pangulo na matutukan ang mga lokal na isyu sa bansa.

Itinalaga na lamang niyang dumalo ang kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Ito na ang pangatlong sunod na taon na hindi dumalo ang pangulo sa UNGA na ang una ay noong 2023 at 2024.

Ang 80th sessions ng UNGA na nagsimula noong Setyembre 9 ay may iba’t-ibang aktibidad gay ang General Debate mula Setyembre 23 hanggang 27.