-- Advertisements --

Inisyuhan ng summon ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay ng pananatili ng mga barko ng kanilang bansa sa Julian Felipe reef.

Ayon sa isang pahinang pahayag ng ahensya, ipinarating na ni DFA acting Undersecretary Elizabeth Buensuceso kay Amb. Huang na ang naturang reef na inookupa ng mga barko ay nasa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).

Ito pananatili umano ng mga barko ng higanteng bansa ay nagdudulot ng regional tesion.

Iginiit din ni Buensuceso na ang usapin sa historic rights claims ng Beijing ay nabigyang linaw nang walang batayan sa UNCLOS.

Pinuna rin ng DFA ang magaspang na pahayag ng Chinese Embassy spokesman laban kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Sa huli, iginiit ng ahensya na kailangang lisanin ng China ang Julian felipe Reef at iba pang maritime zones ng ating bansa.