Umakyat pa sa 1,741 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 34 ang bilang ng panibagong mga nadagdag na kaso sa loob ng 24 oras.
Maliban dito, limang karagdagang mga Pinoy din ang binawian ng buhay dahil sa sakit, dahilan para pumalo pa sa 207 ang death toll.
Tumaas naman ng 10 ang bilang ng mga Pinoy na gumaling sa COVID-19, kaya lumobo pa sa 465 ang mga recoveries.
“A review of trends over this past month reveals that on average, DFA receives daily reports of 11 new recoveries and 6 new deaths among our nationals abroad,” saad sa pahayag ng kagawaran.
“It is our hope to see more recoveries in the coming days and eventually, 0 fatalities among our people here and abroad. Together, let’s #BeatCOVID19!”
Sa pinakahuling tala, nasa 1,069 ng mga natukoy na kaso ang sumasailalim sa gamutan kung saan 163 ang nasa Asia Pacific Region; 328 sa Europe; 328 sa Middle East at Africa; at 250 sa Americas.