dfa ramadan

Nagpaabot nang pagbati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Muslim sa Pilipinas at sa iba’t ibang dako ng mundo kaugnay sa unang araw ng holy month of Ramadan.

Sa mensahe sa social media, sinabi ng DFA na kasama sa pagbati nila ang lahat ng 88 mga embahada ng Pilipinas, consulate general at mga permanent mission.

“On the first day of the holy month of Ramadan, the DFA and its 88 Embassies, Consulates General & Permanent Missions send its best wishes to our Muslim brothers and sisters both in the Philippines and around the world.”