Bukas si Defense Secretary Delfin Lorenza sa mungkahi na posibleng ideploy sa Bureau of Customs (BOC) ang mga sundalo para tumulong sa pagpapatakbo sa ahensiya.

Paglilinaw naman ng kalihim kung may idedeploy man silang sundalo sa BOC ito ay pansamantala lamang habang nasa proseso pa si newly appointed Customs chief retired General Rey Leonardo Guerrero sa pagbuo nito ng sariling trusted civilian team.

Sinabi ni Lorenzana, walang problema sa kaniya sa temporary deployment ng mga sundalo sa BOC.

Sa kabilang dako, ayon naman AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, nakahanda ang militar na

tumulong sa dating chief of staff na mga sundalo sakaling ire-request nito.
Giit ni Arevalo na nais nilang tumulong sa dati nilang pinuno para maging matagumpay ang misyon nito sa Bureau of Customs.

Una rito, itinalaga ni Pang. Rodrigo Duterte si Guerrero bilang bagong Customs chief kapalit ni Isidro Lapena.

Inatasan ni Duterte si Guerrero na gamitin ang technical people mula sa Philippine Army at Philippine Coast Guard (PCG) para linisin ang ahensiya