-- Advertisements --
Binigyang pahintulot ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga regional directors na mag-suspinde ng distance learning activities sa bawat school divisions na lubhang naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Sa isang memorandum, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na maaaring suspendihin ang klase ngayong araw hanggang bukas, araw ng Sabado upang mabigyan ng sapat na oras ang mga estudyante, guro at personnel na maka-recover mula sa kalamidad.
Inabisuhan naman ang mga regional directors na magsumite sa Office of the Secretary ng report ukol sa implementasyon.
Kahapon ay sinuspinde na rin ng MalacaƱang ang pasok sa lahat ng government offices at lahat ng antas sa public schools sa buong Luzon dahil sa pagtama ng bagyong Ulysses.