DAVAO CITY – Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DepEd)-11 ang mga report na ititigil na ng ahensya ang pagpapatupad sa K-to-12 program.

Ayon kay DepEd-11 Spokesman Genielito Atillo, magpapatuloy ang K-to-12 program dahil nakabase ito sa batas sa Basic Education Program ng bansa.

Dagdag pa ni Atillo na pumabor din ang Korte Suprema sa naturang programa kaya walang sapat na rason na ihinto ang pagpapatupad nito.

Siniguro rin ni Dodong Atillo na nakahanda ang DepEd na ipatupad ang proposed mandatory ROTC Program dahil may kagaya nito na programa noon ang nasabing ahensya.