DAVAO CITY – Nakipag-ugnayan na ngayon ang ahensiya ng Department of Education (DepEd) sa pamilya ni Atty. Hariet Sultan, legal officer ng Eastern Visayas Delegation sa Palarong Pambansa 2019 na binawian ng buhay dahil sa hypertension.

Una nang kinumpirma ni DepEd USec. Revsee Escobedo, Secretary General ng Palarong Pambansa 2019, na sumakabilang buhay si Sultan, 44-anyos, matapos isugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Sa inisyal na pahayag mula SPMC, nasawi si Sultan matapos ma-stroke dahil sa aneurysm.

Tiniyak naman ng DepEd na maihahatid agad pabalik sa kanilang lalawigan ang bangkay ng abogado.

Nagpahayag ng pakikiramay ang ahensiya sa mga naiwang pamilya ng opisyal.