-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Education (DEPED) ng mahigit 5.3 milyon na enrollees ngayon school year 2021-2022.

Sa bilang na 5,356,643 ay 4,557,327 dito ay nakapagparehistro na noong Hunyo pa.

Mayroon namang 734,306 estudyante ang nakapag-enroll sa public schools habang 63,102 sa mga private schools.

Ang mga estudyante na nag-enrolled sa state universities and colleges o local universities ay nanatili sa 1,908.

Pinakamaraming bilang na nakapag-enroll ang Calabarzon na mayroon 710,526 na sinundan ng Central Luzon na mayroong 450,202, Western Visayas na mayroong 436,301 at Metro Manila na mayroong 428,943.