-- Advertisements --

Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng wellness break mula Oktubre 27 hanggang 30, 2025 para sa mga guro at mag-aaral. Layunin nitong bigyang-pahinga ang mga guro bago ang midyear In-Service Training (INSET).

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, naririnig nila ang panawagan ng mga guro tuwing pagbisita sa mga paaralan kaya’t napagpasyahang bigyan sila ng panahon para makapagpahinga at makasama ang pamilya.

Dagdag niya, maraming guro at mag-aaral ang apektado ng bagyo, lindol, at sakit gaya ng trangkaso.

Pinayagan ang mga paaralan na ayusin ang kanilang iskedyul. Ang mga naunang nagplano ng INSET ay maaaring mag-reschedule o ituloy ito nang boluntaryo.

Hindi na kailangang dumalo muli sa kaparehong training ang mga lalahok.

Magsisimula muli ang klase sa Nobyembre 3, 2025, matapos ang Undas. (Report by Bombo Jai)