-- Advertisements --

Tatanggap ang pang Department of Education (DepEd) ng mga enrollees para sa susunod na school year hanggang sa katapusan ng buwan.

Aabot kasi sa 4.3 milyon ang nakapagparehistro na para sa School Year 2021 hanggang 2022.

Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo na nais nilang mabigyan ang mga magulang ng sapat pa na panahon para makapag-enroll.

Nangunguna sa maraming nagpa-enroll ang mga nasa Grade 1 na sinundan ng Grade 7.

Karamihan sa mga nakapag-enroll na ay mula sa Calabarzon na sinundan ng mga taga Central Visayas at Western Visayas.

Mayroong dalawang paraan ang mga magulang para makapag-enroll ito ay sa pamamagitan ng online enrollment at pangalawa ay sa pamamagitan ng paghulog sa mga dropbox sa mga harap ng paaralan para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.