Hayagang tinawag ni House prosecution counsel Atty. Lorna Kapunan na isang “scam” ang paggasta ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa milyun-milyong confidential funds sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Agosto 4.
Sa pagpapatuloy ng paglilitis, tinanong ni Atty. Kapunan ang testigo at dating auditor ng Commission on Audit (COA) na si Roderick Wamil tungkol sa mga regulasyon ng pamahalaan. Ayon sa COA circular, kapag ang pampublikong pondo ay hindi maipaliwanag o walang sapat na dokumento, may hinala o presumption na ito ay nagamit sa personal na kapakinabangan ng opisyal (prima facie evidence).
Nang kumpirmahin ng testigo na tugma ito sa sitwasyon, binitawan ni Kapunan ang kaniyang huling komento bago tapusin ang pagtatanong: “Kung ako ang tatanungin, scam ito.”
Agad namang pumalag at nag-object si Atty. Michael Poa, ang abogado at tagapagsalita ng depensa.
Ipinaglaban ni Atty. Poa na ang pahayag ng prosecution counsel ay out of order.
Kinatigan ni Senate Impeachment Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang pagtutol ng depensa.
Iniutos ni Escudero na i-strike off the record o burahin sa opisyal na talaan ng impeachment court ang naging komento ni Kapunan.
















