Target ngayon ng Department of Education ng magbubukas ng higit 65,000 na mga bagong teaching at non-teaching position sa mga public schools ngayong taon.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ito ay dahil sa inilaang ₱15.4 bilyong pondo para sa paglikha ng 65,184 na bagong posisyon para sa mga guro.
Ang malaking alokasyong ito ay naglalayong matugunan ang patuloy na kakulangan ng mga guro at mga kawani sa sektor ng edukasyon.
Partikular na tutugunan nito ang mga pangangailangan sa mga lugar kung saan mayroong siksikan o mataas na bilang ng mga estudyante sa bawat silid-aralan.
Bukod pa rito, layunin din nitong mapabuti ang serbisyong pang-edukasyon sa mga lugar na kulang sa mga ganitong uri ng programa at suporta.
Idinagdag pa ng kalihim na mayroong sapat na bilang ng mga indibidwal na pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET), o mga LET passers, upang punan ang lahat ng mga bagong posisyon na ito na bubuksan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
















