Nagbabala ang Department of Education sa publiko tungkol sa mga kumakalat na scam na naghihikayat daw sa publiko na sumali sa anumang contest upang mabigyan ng DepEd ng libreng laptops at cellphones.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na hindi sila mamimigay ng “free wifi and gadgets” sa pamamagitan ng anumang online giveaway, raffle draw, o contest.

Giit ng kagawaran, ang learning continuity packages na donasyon ng LGUs at lehitimong partners ay ipinamamahagi sa mga mag-aaral at mga guro sa pamamagitan ng DepEd regional and division offices at mga paaralan.

Hinimok ng DepEd na i-report sa kanila ang ganitong mga uri ng pananamantalang may kinalaman sa pagbubukas ng klase.