Class room 2
DepEd photo/ FB image

Kinumpirma ni Department of Education USec. for Legislative Affairs, External Partnerships and School Sports Tonisito Umali na mahigit 6 milyong estudyante na ang nairehistro ng kanilang mga magulang sa pamamagitan ng online enrollment.

Ayon kay Umali, simula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15, hindi required na bumalik sa eskwelahan ang mga estudyante kasama ang kanilang magulang para sa enrollment.

Simula naman Hunyo 16, ilalagay sa labas ng eskwelahan ang mga enrollment forms kung saan maaari itong sulatan at ihulog sa drop box.

Hindi rin problema aniya ang kawalan ng internet access dahil magbibigay ng learning modules ang Department of Education.

Para naman sa mga malalayong lugar, posibleng ipatupad ang school-on-air o radio base instruction mode of learning kung saan inihayag ng DepEd Undersecretary na handa ang ahensya na makipagtulungan sa Bombo Radyo Philippines hinggil dito.